-- Advertisements --

Mataas na bilang ng recoveries muli ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong araw dahil sa 58 na bagong gumaling.

Dahil dito mas mataas na ang total na bilang ng mga gumaling na COVID-19 patients na ngayon ay nasa 353 na.

Ito ay kumpara sa bilang ng death cases na nasa 349 bunsod ng 14 na bagong nai-report na namatay.

Sa kabuuan 5,453 na ang recorded confirmed COVID-19 cases sa buong bansa dahil sa 230 na bagong reported positive ngayong araw.

Ito ang unang beses na nalampasan ng recoveries ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa bansa mula nang maitala ang kaso ng local transmission ng pandemic virus.