-- Advertisements --
image 468

Iniulat ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na bumaba ang lingguhang COVID-19 positivity rate o porsyento ng mga indibidwal na nagpositibo sa virus mula sa mga nasuri sa Metro Manila.

Ayon kay Dr. David, patuloy ang pagbaba ng covid-19 positivity rate mula sa 6.6% sa 5.6% noong Hunyo 28.

Bagamat bumagal aniya ang pagbaba ng coid-19 positivity rate sa rehiyon.

Sa buong bansa naman base sa datos kahapon mula sa Department of Health (DOH), nakapagtala ng 503 na bagong mga kaso, 384 bagong gumaling at 7,896 naman ang aktibong kaso kung saan 131 cases sa NCR at 7.4% naman ang 7-day positivity rate.

Tinatayang makakapagtala ng 300 hanggang 400 bagong kaso ng covid-19 sa bansa ngayong araw.