-- Advertisements --
image 138

Bahagyang bumaba ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila sa 18.1 percent as of Octiober 7.

Ito ang inihayag ng OCTA Research Group.

Sinabi ng OCTA Research fellow na si Guido David na bumaba ang positivity rate mula 19.1 percent noong Oct. 1 hanggang 18.1 percent noong Oct. 7.

Bumaba rin ang positivity rate sa Batangas mula 13.9 porsiyento hanggang 10.9 porsiyento, Bulacan mula 20.4 porsiyento hanggang 17.7 porsiyento, at Laguna mula 19.7 porsiyento hanggang 16.9 porsiyento.

Ang positivity rate sa Tarlac, gayunpaman, ay tumaas mula 23.5 porsiyento hanggang 32.8 porsiyento.

Ang iba pang lalawigan na nagtala ng pagtaas ay ang Davao del Sur, mula 8.3 porsiyento hanggang 13.4 porsiyento; Cavite, mula 20.5 porsiyento hanggang 24 porsiyento; Pampanga, 14.8 percent hanggang 19.5 percent; at Rizal, 25.6 porsiyento hanggang 26.1 porsiyento.

Ang National Capital Region ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo sa 12,587, na sinundan ng Calabarzon sa 5,331; Central Luzon, 2,811; Davao region, 1,327 at Western Visayas, 844.