-- Advertisements --
Tumaas sa 14.3% ang COVID-19 positivity rate ng Pilipinas, ayon sa OCTA Research Group.
Sinabi ni fellow na si Dr. Guido David, ito ay matapos makapagtala ng kabuuang 858 na bagong kaso ng nakamamatay na virus.
Kaya aniya, ang aktibong kaso ng COVID-19 ay umabot na sa 5,293 sa buong bansa.
Dagdag dito, mayroong 331 kaso sa NCR, 55 sa Laguna, 49 sa Cavite na kung saan nakikita nila na posibleng sumipa pa sa bilang na 1000-1200 ang mga bagong kaso simula ngayong araw.
Una nang iniulat ni David na tumaas ng 5.3% ang positivity rate sa Metro Manila nitong nakaraang siyam na araw.