Nasa upward trend na ang COVID-19 positivity rate o porsyento ng nagpopositibo sa sakit mula sa mga nasusuring indibidwal mula pa noong buwan ng Pebrero ayon sa independent pandemic monitoring group na OCTA Research.
Iniulat ni OCTA fellow Dr. Guido David na ang kabuuang positivity rate sa bansa ay umakyat sa 8.8% mula sa dating 8.5% matapso na makapagtala ng 530 na bagong dinapuan ng sakit.
Kabuuang nasa 185 cases ang naitala noong Metro Manila, 33 sa Davao del Sur at 27 sa Cebu.
Samantala, inihayag din ni Dr. David na inaasahang makapagtala ng 500 hanggang 600 bagong infections ngayong araw, Abril 21.
Nauna ng sinabi ni Department of Health (DOH) officer in charge Ma. Rosario Vergeire na walang dapat ikaalarma sa pagtaas ng mga kaso at hindi pa ikinokonsidera sa ngayon nag pagbabalik ng face mask mandate.
Bagamat patuloy ang paghikayat ng kagawaran sa publiko na gumamit ng face mask lalo na sa matataong lugar at mayroong hindi maayos na bentilasyon.