-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Umabot na sa 753 ang bilang ng COVID-19 positive sa Region 2.
Batay sa inilabas na ulat ng the Department of Health-Cagayan Valley Center for Health Development na ang COVID-19 cases sa rehiyon ay umakyat na sa 753.
Ang confirmed active cases ay 206 o 27%; 540 o 72% ang recoveries habang pito o 0.9% ang namatay.
Apat ang naidagdag na 4 confirmed case kung saan isa sa Cagayan, dalawa sa Isabela at isa sa Nueva Vizcaya.
Kabilang sa mga naidagdag sa talaan ang anim na additional recoveries kung saan isa sa lalawigan ng Cagayan at lima sa lalawigan ng Isabela.