-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Umakyat na sa 241 ang COVID Positive sa region 2 batay sa talaan ng Kagawaran ng Kalusugan o DOH region 2.

Ito ay makaraang madagdagan ng dalawa pang nagpositibo sa COVID 19 positive ngayong araw .

Si CV240 ay 31 anyos na babae na mula sa Solana, Cagayan.

Wala siyang travel history ngunit nagtungo sa Lungsod ng Santiago upang sumailalim sa Swab Test bilang requirement sa pagbabalik trabaho ngunit positibo ang kinalabasan.

Si CV241 ay residente ng Santa Ana, Cagayan, isang Overseas Filipino Worker na galing sa Los Angeles California, U.S.A at dumating sa bansa noong ikatatlo ngayong Hulyo.

Ang nasabing OFW ay nakaranas ng sipon at nagpositibo sa virus.

Ang contact tracing para sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng dalawang nagpositibo ng virus ay kasalukuyang nang isinasagawa ng mga kawani ng DILG at kasapi ng PNP katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at mga Lokal na Pamahalaan kung saan residente ang mga nagpositibong kaso.