-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Bumaba sa loob ng dalawang araw ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Isabela matapos magtala ng record high na 125 positive noong araw ng Biyernes

Naitala ngayong araw ang 19 na panibagong kaso ng COVID 19 sa Lalawigan ng Isabela na mas mababa kumpara kahapon na 46 at ang naitalang record high noong Biyernes na 125 COVID-19 positive.

Dahil sa panibagong nagpositibo umakyat na sa 466 ang aktibong kaso ng virus sa lalawigan.

Naitala naman kahapon ang 17 panibagong gumaling o nakarecover mula sa virus.

Pitu sa mga nagpositibo ay mula sa Lunsod ng Santiago, tig-dadalawa sa Cabagan, Naguilian, Roxas, at San Isidro habang tig-isa sa Benito Soliven, Lunsod ng Cauayan, Gamu, at Lungsod ng Ilagan.

Walo ang Non-APOR, 28 ang health worker, 10 ang pulis at 420 ang mula sa Local transmission.

Dahil dito patuloy ang paalala ng provincial government sa publiko na mag-ingat at sundin pa rin ang mga ipinapatupad na health protocols.