-- Advertisements --

Aminado ang Department of Social Welfare and Development na malaking hamon sa kanila ang COVID-19 pandemic para patuloy na mabigyan ng tulong at serbisyo ang mga persons with disability (PWDs).

Sa pagdinig ng House Special Committee on Persons with Disabilities, sinabi ng DSWD na mula nang ipinatupad ang lockdown noong Marso hanggang Mayo, 462 PWDs lang ang kanilang napahatiran ng tulong.

Dahil sa lockdown, nagkaroon anila ng mobility issues kaya nabawasan din ang access sa serbisyo na ibinibigay ng kagawaran.

Maging ang kanilang referral at response system, gayundin ang kanilang communication at information services, ay naapektuhan din anila bunsod ng limitadong galaw ng publiko sa kasagsagan ng lockdown.

Sa ngayon, patuloy aniya nilang pinalalakas ang kanilang partnership sa mga stakeholders at humanitarian bodies, lalo na sa Health Care, para matiyak ang tuloy-tuloy na pagpapahatid ng serbisyo sa mga PWDs sa gitna ng pandemya.