-- Advertisements --

Pinalawig ng mga otoridad sa Shanghai, China ang ipinatupad nilang lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kung dati kasi ay mayroong hiwalay na paghihigpit sa western at eastern Shanghai.

Maituturing ngayon ang Shanghai bilang pinakamalaking lungsod sa China na naka-lockdown.

Sa ngayon ay aabot sa 13,000 na COVID-19 ang naitala sa isang araw.

Apektado ang nasa 25 milyong populasyon ng lungsod kung saan pinagbawalan ang mga ito na lumabas sa kanilang bahay.

Magugunitang gumamit na ng mga sundalo ang China para tulungan ang mga health workers na magsagawa ng COVID-19 testing.

Hindi naman nagbigay ng kasiguraduhan ang mga otoridad kung hanggang kailan ang ipapatupad nilang lockdown.