KALIBO, Aklan – Napagpasyahan ng Boracay Inter-Agency Task Force na kanselahin muna ang lahat ng mga event para sa LoveBoracay na dating LaBoracay.

Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista , napagkasunduan sa pulong ng task force kasama si Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Benny Antiporda na huwag munang ituloy ang naturang event dahil sa banta ng Coronavirus Dsease 2019 (COVID-19).

Kasunod din ito ng ipinalabas na Executive Order No. 18 ni Aklan Governor Florencio Miraflores na ipagbawal muna ang mga malalaking pagtitipon sa mga pampublikong lugar.

Ang LoveBoracay ay nakatakda sana sa Abril 26 hanggang Mayo 2 kung saan iba’t ibang events ang nakahanda.

Layunin sana ng LoveBoracay na mapalakas ang domestic tourism kasunod ng pagbagsak ng international tourist arrival lalo na ang mga Chinese at Koreans.