Ipinagpaliban muna ng mga opisyal ang nakatakda sanang joint military exercise sa pagitan ng US at South Korea dahil sa nararanasan ng huli na coronavirus outbreak.
Sa huling tala, mayroon nang 334 na bagong kaso ng COVID-19 sa South Korea dahilan upang umakyat ang kabuuang bilang sa 1,595.
Ang nasabing desisyon ay ginawa matapos idekalra ng Seoul ang pinakamataas na “severe” alert level dahil sa virus.
Sinabi ng Combined Forces Command na hindi pa sigurado kung kailan itutuloy ang nasabing military exercise.
Mayroong 28,500 tropa militar ang Estados Unidos sa South Korea na tumutulong upang protektahan ang bansa mula sa North Korea. Karamihan sa mga ito ay naka-base sa Camp Humphreys sa Pyeongtaek, South Korea.
Una nang kinansela ng dalawang bansa ang kanilang annual joint military exercise para bigyang daan ang nuclear talks ng South Korea sa North Korea