-- Advertisements --

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na na-contain o napigilan na ang hawaan ng COVID-19 virus sa Pilipinas dalawang taon ang nakalilipas mula ng tumama ito sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, na sa pamamagitan ng mga ipinapatupad na measures at interventions ng gobyerno, lumalabas na napigilan na nga ang hawaan ng deadly virus at sinusuportahan aniya ito ng mga datos.

Sa kabila nito, binigyang diin pa rin ng DOH chief na hindi dapat na magpakampante dahil patuloy na mutation ng COVID-19 virus.

Inihalimbawa ni Duwue ang COVID-19 situation ng bansa noong December ng nakalipas na taon na bumaba sa 200 lamang ang naitalang kaso kada araw subalit nakaranas nanaman ng paglobo sa mga kaso sa pagpasok ng Enero ng kasalukuyang taon dahil sa highly transmissible na omicron variant kung saan umabot pa sa mahigit 30,000 ang naitalang bagong kaso sa isang araw.

Sa kasalukuyan naman, nasa average na 185 ang bagong kaso ng covid19 sa bansa.

Bagamat nasa low case trend ngayon ng COVId-19 ang bansa, pinayuhan naman ni Duque ang susunod na adminsitrasyon na laging maging handa sa posibleng worst-case scenario.

Kailangan aniya na maiging pag-aralan ng susunod na adminsitrasyon ang ang panukalang pagtanggap ng state of calamity bunsod ng COVID-19 na magtatagal na lamang hanggang sa Setyembre ng kasalukuyang taon

Top