-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nagbabala ngayon ang militar at pulisya sa pangingikil ng New People Army (NPA) gamit ang isyo ng Coronavirus Disease (Covid 19).

Naglilibot umano sa ibat-ibang panig ng bansa lalo na sa Mindanao ang mga Front Organizations ng Communist Party of the Philippines para humingi ng tulong sa mga negosyante, mayayaman na pamilya at mga pulitiko.

Ang malilikom na pera ng mga Front organization ng CPP,NPA-NDF ay itutulong umano nila sa mga maralitang pamilya na grabeng naapektuhan sa health crisis sa bansa.

Ngunit lumabas sa pagsisisyasat ng mga otoridad na ibibili ito ng mga bala at mga armas sa muling pagpapalakas ng pwersa ng makakaliwang grupo.

Halos nakawan na umano ng mga NPA ang mga sibilyan lalo na ang mga magsasaka sa hinihingi nilang protection money o revolutionary tax.

Mula sa kabundukan ay bumaba na ang mga NPA at tumulong sa kanilang mga Front Organizations sa pinalakas nilang extortion activities.

Sa North Cotabato,Sultan Kudarat,South Cotabato at mga hangganan ng Bukidnon, Davao Del Sur at Davao City ay patuloy ang pangrerekrut ng mga NPA sa mga kabataan para umanib sa kanilang grupo lalo na ang mga estudyante.