-- Advertisements --

Nadagdagan na naman ng isa ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID 19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Sa datos na inilabas ng Administrative Support to COVID 19 Operations Task Force (ASCOTF), ang ika-57 nasawi ay isang Police Non Commissioned Officer mula sa Central Luzon na nasawi, kahapon May 4,2021.

Nakapagtala ang PNP ng 158 bagong Covid-19 cases kayat pumalo na 20,769 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa PNP.

Nasa 1,626 naman sa mga ito ang aktibong kaso kung saan 50 dito ay kasalukuyang naka confined sa hospital habang ang 1,576 ay nasa mga isolation facilities.

Nakapagtala naman ang PNP Health Service ng 172 bagong gumaling sa sakit kaya’t umakyat naman na sa 19,086 ang total recoveries.

Nagpa-abot naman ng pakikiramay si outgoing PNP Chief Gen. Debold Sinas sa pamilya ng nasawing pulis.


“Our deepest condolences to the bereaved family. As front liners in fighting this unseen enemy, some of our police officers are putting their life on line, I salute you all!” pahayag ni Sinas..