-- Advertisements --

Nadiskubre ng mga eksperto mula sa China National Biotec Group ang virus-neutralising antibodies mula sa plasma ng isa sa mga pasyenteng gumaling sa COVID-19.

Napatunayan umano sa isinagawang eksperimento na epektibo ang naturang antibody na ito upang puksain ang virus na unang naitala sa Wuhan, China.

Tinawag itong convalescent plasma therapy.

Matagumpay ding naihanda ng nasabing kumpanya ang plasma para sa clinical treatment matapos itong dumaan sa mahigpit na blood biologiocal safety testing, virus inactivation at antiviral activity testing.

Ginamit ang plasma upang pagalingin ang nasa 11 pasyente na nasa kritikal na kondisyon dahil sa COVID-19.

Unang ginamit ang paraan na ito noong Pebrero 8 sa tatlong pasyente na nasa kritikal na kondisyon at kasalukuyang nagpapagaling sa Wuhan. Patuloy din itong ginagamit sa 10 pang pasyente.