Balik sa higit 3,000 bagong kaso ng COVID-19 ang inireport ng Department of Health (DOH) ngayong araw. Umakyat na sa 307,288 ang total ng confirmed cases, dahil sa 3,073 na additional cases.
Ayon sa DOH, anim na laboratoryo lang ang bigong makapag-submit ng kanilang report sa COVID-19 Data Repository System kagabi. Kabilang dito ang:
- Amosup Seamen’s Hospital
- Dr. Jorge P. Royeca Hospital
- Eastern Visayas Regional Medical Center
- Green City Medical Center
- National Kidney and Transplant Institute – GeneXpert Laboratory
- Western Visayas Medical Center
Mula sa mga naitalang bagong kaso ng sakit, 91% o 2,800 ang nag-positibo sa nakalipas na 14 na araw. Pinakamarami pa rin ang galing sa National Capital Region, Cavite, Laguna, Rizal at Batangas.
“Of the 3,073 reported cases today, 2,800 (91%) occurred within the recent 14 days (September 15 – September 28, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (1,055 or 38%), Region 4A (722 or 26%) and Region 6 (277 or 10%).”
Ang bilang naman ng mga nagpapagaling pa o active cases ay nasa 49,242. Nakapaloob sa bilang na ito ang 86.4% mild, 8.7% asymptomatic, 1.5% severe at umakyat muling critical cases na nasa 3.4%.
Aabot sa 163 ang additional sa total recoveries na ngayon ay nasa 252,665 na. Habang 37 ang dagdag sa death toll na pumapalo na sa 5,381.
“Of the 37 deaths, 26 occurred in September (70%), 5 in August (14%) 4 in July (11%) 1 in May (3%) and 1 in April (3%). Deaths were from Region 6 (21 or 57%), NCR (8 or 22%), Region 4A (4 or 11%), Region 12 (2 or 5%), Region 3 (1 or 3%), and BARMM (1 or 3%).”
May 11 duplicate cases na inalis ang DOH sa total case count. Kabilang dito ang anim na recoveries.
Dalawang recovered cases din ang pinalitan ng tagging ng ahensya matapos matukoy sa validation na sila ay mga patay na.















