-- Advertisements --

Pumalo na sa 5,285 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippines National Police (PNP).

Ito’y ayon sa PNP Health Service makaraang madagdagan ito ng 57 bagong kaso kahapon at pinakamarami pa rin ang naitala sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na may 26.

Pito ang naitalang bagong kaso sa Central Luzon PNP, anim sa CALABARZON, apat sa Ilocos Region, tatlo sa Bangsamoro Autonomous Region at tig-dalawa naman ang naitala sa Bicol, Eastern at Western Visayas.

Patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga gumaling sa 37 kaya’t pumalo na sa kabuuang bilang nito sa 3, 850 habang nananatili naman sa 16 ang bilang ng mga nasawi.