-- Advertisements --
Pumalo na sa 26,781 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas dahil sa 364 na mga bagong kaso.
Mula sa nasabing bilang, 249 ang fresh cases o mga test results na lumabas at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.
Ang numerong ito ay binubuo ng 128 fresh case mula NCR, 56 sa Region 7, at 65 sa ibang rehiyon.
Samantala, ang late cases naman o test results na nakumpirma sa nakalipas na apat na araw pero ngayon lang na-validate ay nasa 115.
Mula sa bilang na iyan, 24 ang galing sa NCR, tatlo sa Central Visayas, at 88 sa ibang rehiyon.
Nakapagtala naman ang DOH ng pinakamataas na recovery sa isang araw na 301 new recoveries na may total nang 6,552.
Habang ang mga namatay ay nadagdagan ng lima, na may total nang 1,103.