-- Advertisements --

Pumalo na sa 432,925 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa pinakabagong case bulletin ng ahensya, nasa 1,298 ang mga bagong kaso ng sakit na nai-report sa magdamag.

Hindi pa raw kasali rito ang data ng 15 laboratoryo na bigong makagpasa ng ulat kahapon.

DOH entrance

“15 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on November 30, 2020,” ayon sa DOH case bulletin.

Ang Ilocos Norte ang nangunguna ngayon sa mga lugar na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa 84. Sumunod ang Lungsod ng Maynila, Quezon province, Laguna at Negros Occidental.

Nananatili sa 25,725 ang bilang ng mga nagpapagaling pa o active cases. Ang total recoveries naman ay malapit nang sumampa sa 398,782 dahil sa 135 na bagong gumaling.

Habang 27 ang nadagdag sa total deaths na 8,418.

“3 duplicates were removed from the total case count. Of these, 2 were recovered cases.”

“Moreover, 9 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths. In addition, there’s one (1) case that was previously reported as death but has been validated as active case.”