-- Advertisements --

MANILA – Sumampa na sa 803,398 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), aabot sa 8,355 na bagong kaso ng sakit ang nadagdag ngayong araw. Pero hindi pa kasali rito ang datos ng tatlong laboratoryo.

DOH

“3 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on April 4, 2021.”

Bumaba sa 21% ang positivity rate ng bansa o bilang ng mga nag-positibo mula sa 21,537 na nagpa-test sa coronavirus kahapon.

Ayon sa DOH, ilang laboratoryo ang tumigil ng operasyon noong nagdaang holiday ng Semana Santa kaya mababa ang inireport na bilang ng bagong kaso ng COVID-19.

Kaya naman hindi pa raw pwedeng sabihin na bumaba na ang “trend” ng impeksyon.

“Out of the 239 licensed laboratories, only 219 laboratories conducted tests on April 1, 207 conducted tests on April 2, and 216 conducted tests on April 3.”

Nananatili namang mataas ang active cases o mga hindi pa gumagaling sa sakit na nasa 143,726.

Mula sa kanila 97.5% ang mild cases, 1.1% ang asymptomatic, 0.34% ang moderate, 0.6% ang severe, at 0.6% ang critical cases.

Nadagdagan naman ng 145 ang bilang ng mga gumaling, kaya nasa 646,237 na ang total recoveries.

Habang 10 ang bagong naitalang namatay para sa 13,435 na total deaths.

“8 duplicates were removed from the total case count. Of these, 4 are recoveries.”

“Moreover, 4 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”