-- Advertisements --

Tinataya ng OCTA Research Group na posibleng bumaba pa ng hanggang 500 kada araw ang COVID-19 cases sa Pilipinas sa huling bahagi ng buwan na ito ng Nobyembre.

Ito naman ang paniniwala ni OCTA Research fellow Dr. Guido David.

Ayon kay David kapag nangyari raw ito posibleng ang mga COVID cases sa National Capital Region (NCR) ay bumagsak pa ang bilang sa 100 per day.

Tinukoy naman ni Dr. David na ang dahilan ng kanyang estimate ay bunsod ng indikasyon na ang COVID-19 sa NCR ay pababa na ng pababa kung saan ang seven-day case average ay nasa 210 per day na lamang.

Sa pagkakaalala daw nito parang ito na ang pinakamababa bago ang wave na ito, noong panahon ng eleksyon.

Liban nito, sinabi rin ni Dr. David, na ang NCR reproduction number ay bumaba pa sa 0.68, ang growth rate hanggang -38%.

Ang tinagurian namang daily attack rate ay naitala rin sa 1.46 at ang healthcare utilization ay nasa 28%.