-- Advertisements --

Nasa halos 280,000 na kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa inilabas na case bulletin ng ahensya, nadagdagan pa ng 3,257 ang mga kaso ng sakit sa bansa, na may total na ngayong 279,526.

Ayon sa Health department, 20 laboratoryo ang bigong makagpasa ng kanilang report kahapon sa kanilang COVID-19 Data Repository System (CDRS). Kabilang dito ang:

  1. AL Molecular Diagnostic Laboratory
  2. Bohol Containerized PCR Laboratory
  3. Cagayan de oro Polymedic Medical Plaza
  4. Davao One World Diagnostic Center Incorporated
  5. Divine World Hospital
  6. Dr. Jorge P. Royeca Hospital
  7. Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital
  8. Eastern Visayas Regional Medical Center
  9. Ilocos Training Regional Medical Center
  10. Lanao del Norte Covid-19 Testing Laboratory
  11. Kaiser Medical Center Inc.
  12. Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center
  13. Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center
  14. Makati Medical Center
  15. Qualimed Hospital – San Jose del Monte
  16. Safeguard DNA Diagnostics
  17. Taguig City Molecular Laboratory
  18. Teresita Jalandoni Provincial Hospital
  19. UP-PGH
  20. Valenzuela Hope Molecular Laboratory

“Of the 3,257 reported cases today, 2,628 (81%) occurred within the recent 14 days (September 5 – September 18, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (815 or 31%), Region 4A (494 or 19%), and Region 6 (241 or 9%).”

Samantala, ang bilang ng mga nagpapagaling pa ay nasa 65,906.

Nadagdagan din ang numero ng mga recoveries sa 733, kaya ang total ng mga gumaling ay pumapalo na ng 208,790. Habang 47 ang additional sa total deaths na 4,830.

“Of the 47 deaths, 18 occurred in September (38%), 13 in August (28%), 13 in July (28%), 1 in June (2%) and 2 in May (4%). Deaths were from NCR (23 or 49%), Region 4A (11 or 23%), Region 7 (4 or 9%), Region 10 (3 or 6%), Region 1 (1 or 2%), Region 3 (1 or 2%), Region 5 (1 or 2%), Region 6 (1 or 2%), Region 9 (1 or 2%), and Region 11 (1 or 2%).”

Muling nagtanggal ng duplicates sa total case count ang DOH na nasa 20. Ang 15 sa mga ito raw ay recoveries at isa ang patay na.

Habang 24 na iba pang recoveries ang pinalitan ng tagging matapos matukoy sa validation na 14 ang patay na, 10 ang nagpapagaling pa.

“There was also one (1) case that was previously reported as a death but has been validated as recovered.”