-- Advertisements --

Bahagyang nadagdagan ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito sa bansa kumpara kahapon.

Sa latest update ng Department of Health (DoH) sa ngayon 147 ang bagong kaso kumpara sa 120 na kaso kahapon.

Dahil dito, nasa kabuuang 10,610 na ang bilang ng mga nadapuan ng virus dito sa Pilipinas.

Samantala, bagamat hindi naman record high, marami pa rin naman ang bilang ng mga recoveries na 108 ngayong araw na may kabuuan nang 1,842 na naka-recover.

Bumaba din ang bilang ng mga namatay na walong katao at may kabuuang 704 deaths.