-- Advertisements --
Nasa halos 8,000 na nga ang total ng COVID-19 cases sa bansa.
Ngayong araw may naitala pang 181 na bagong nag-positibo sa sakit ang DOH kaya pumalo na sa 7,958 ang total.
Ang recoveries ay nasa 975 na bunsod ng 43 na bagong naitalang gumaling.
Habang ang mga namatay ay pumalo pa ng 530 dahil naman sa 19 na newly reported deaths.
Mula sa nasabing bilang nakapagtala rin ang DOH 1,336 healthcare workers na tinamaan ng sakit.
Kabilang sa naturang numero ang 507 nurse, 493 doktor, 74 nursing assistants, 47 medical technologists, 28 radiologic technologists, 11 respiratory therapists, 11 midwife at 165 na iba pang healthcare worker.
Ang 29 sa mga ito ay namatay, kabilang na ang 22 doktor.