-- Advertisements --
Bumagsak ng 30% ang COVID-19 cases sa National Capital Region sa nakalipas na linggo, ayon sa OCTA Research Group.
Sa kanilang report, sinabi ng OCTA Research na bumaba rin ang reproduction rate sa NCR, kung saan pumapalo na lang ito sa 0.57, habang ang positivity rate naman ay bumaba sa 12%.
Nabatid na ang reproduction number na one o mas mataas pa ay indikasyon lamang na nagpapatuloy pa rin ang transmission ng COVID-19.
Iniulat din ng OCTA Research na ang average attack rate sa rehiyon ay bumaba sa 12 sa kada 100,000.
Ayon sa grupo, ang mga lugar na mayroong mas mataas sa 10 per 100,000 na average daily attack rate ay ikinukonsidera ng Department of Health bilang high risk.