Nananatili pa ring pababa ang COVID-19 cases sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research Group, ilang araw matapos na luwagan ng bahagya ng pamahalaan ang restrictions sa National Capital Region at apat na karatig na probinsya habang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Sinabi ni Dr. Guido David, miyembro ng OCTA Research Group, na maaring sa susunod na linggo mga susunod pa mararamdaman ang epekto ng “flexi” na MECQ status.
Ngayon kasi ang daily average ng COVID-19 cases sa NCR ay pumapalo sa humigit kumulang 3,000, mas mababa kumpara sa 5,500 na naitatala noong peak nito.
Ang reproduction rate, o ang bilang ng mga taong nahahawaan ng virus patient, ay bumaba rin sa 0.82.
Sinabi ni David na ang Muntinlupa, Las Piñas, at Valenzuela ay mayroon nang “flat” trend, habang kakaunti naman ang pagbaba ng bilang ng mga infections sa Parañaque at Mandaluyong.
Nauna nang sinabi ni David na maaring pumasok sa general community quarantine ang Metro Manila kung ang COVID-19 daily average cases ay bumaba pa sa 2,000 infections na lamang.