-- Advertisements --
Umakyat na sa 74 ang COVID-19 cases sa Kamara, ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales.
Ito ay matapos na magpositibo aniya sa naturang sakit ang isang security staff, na huling pumasok sa trabaho noong Setyembre 2.
Sa 74 COVID-19 cases sa ngayon, 14 rito ang itinuturing na active cases, ayon kay Montales.
Gayunman, nagpapatuloy sa kasalukuyan ang contact tracing para sa naitalang panibagong COVID-19 cases sa Kamara.
Kasabay nito ay pinaalalahan ni Montales ang mga empleyado ng Kamara na mag-ingat upang sa gayon ay hindi mahawa sa COVID-19.
Maaring personal na pumasok aniya sa trabaho kung kinakailangan lamang at iyong nakakaranas ng mga sintomas ng COVID-19 ay dapat huwag nang magtungo pa sa Kamata sa loob ng 14 araw.