-- Advertisements --
Umakyat na sa 60 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Kamara.
Ito ay matapos na magpositibo sa naturang sakit ang isang Congressional staffer, ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales.
Ayon kay Montales, huling pumasok sa trabaho ang naturang staff noong Agosto 17.
Nakaranas aniya ito ng sintomas ng COVID-19 kaya kaagad na nagpa-test sa kanilang probinsya.
Sa ngayon, ang active cases sa Kamara ay 14 ang bilang, ayon kay Montales.