BUTUAN CITY – Nadagdagan na naman ng 14 ang bilang ng mga bagong kaso ng cororonavirus disease 2019 (COVID-19) at isang patay ang Caraga Region batay sa inilabas na ulat ng Center for Development- Caraga sa kanilang online press briefing .
Ito’y mula sa natanggap nilang 36 mga RT-PCR confirmatory results galing sa GeneXpert Molecular Laboratory ng Butuan Medical Center kungsaan 22 ang negative at 14 ang nagpositibo na parehong taga-Butuan City.
Ang namatay ay isang 59-anyos na lalaking taga-Brgy. San Ignacio na doon na nalagutan ng hininga sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC) sa Cagayan de Oro City.
Ang lahat ng bagong kaso ay nagmula sa lungsod ng Butuan, na kibibilangan ng tatlong mga Healthcare workers, 4 na mga frontline non-medical workers, at 8 ang local transmission.
Sa nasabing kaso, 9 ang mga lalaki habang 6 naman ang mga babae at ang mga ito ay nasa edad 30 hanggang 50-anyos kungsaan 23 anyos ang pinakabata at 68-anyos ang pinakamatanda.
Galing mga bagong kaso sa dito sa lungsod sa mga barangay Villa Kananga – 3, Libertad (2), Obrero (2), Ambago (1), Bading (1), Bayanihan (1), Holy Redeemer (1), J.P. Rizal (1), Kinamlutan (1), San Ignacio (1) at San Vicente (1).
Nakaranas naman ang 10 sa mga ito ng mild symptoms, isa ang moderate at ang natiran 3 ay mga asymptomatic.
Napag-alamang ang panglimang COVID-19 confirmed death na mula Northern Mindanao Medical Center (NMMC), Cagayan de Oro City ay isang hypertensive male na taga Brgy. San Ignacio, na na-admit sa NMMC noong August 25 dahil sa hirap sa paghinga at namatay din sa naturang araw.
Sa ngayon, ang total COVID-19 confirmed positive cases sa Caraga ay umabot na sa 496 kung saan 344 ang recoveries, 147 naman ang mga active cases, at 5 na ang patay.