-- Advertisements --

NAGA CITY- Patuloy parin ang paglobo ng mga nahahawaan ng sakit na Coronavirus Disease sa Bicol Region.

Sa datos ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol, naitala ang apat na panibagong kaso na pawang mga taga lungsod ng Naga.

Base sa datos ng DOH-Bicol kinilala si Bicol#163 na isang 67-anyos na babae, mayroong contact kay Bicol#137 na napag-alamang isang PWD.

Si Bicol#164 naman ay isang 57-anyos na lalaki , isang driver at mayroong close contact kay Bicol#137, asymptomatic at kasalukuyang nakaquarantined.

Kinilala naman si Bicol#165 na isang 60-anyos na babae, mayroong close contact kay Bicol#137, asymptomatic at kasalukuyan na ring nakaquarantine..

Samantala huling naitala si Bicol#166, isang 24-anyos na lalaki, isang delivery sorter at mayroong close contact kay Bicol#138.

Sa ngayong, mayroon ng kabuuang bilang na 166 sa rehiyon, habang 81 ang active cases.