-- Advertisements --
Wala ng naitatalang pagtaaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa mga nagdaang araw.
Sinabi ni Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman na nagkaroon ng biglaang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa at ngayon ay nasa pantay na bilang.
Halos pareho-pareho na rin aniya nag bilang ng mga kasong naitatala nila ngayon kumpara noong nakaraang mga buwan.
Nitong nagdaang mga araw kasi ay naiulat ng bansa ng bilang ng 380 na kaso na 26% na mas mababa kumpara sa 516 na kaso araw-araw noong nagdaang mga linggo.










