-- Advertisements --

Tinatayang tumaas ang bilang ng mga kaso ng coonavirus 2019 sa bansa ng hanggang 19,000 sa katapusan ng Agosto base sa latest projections at kasalukuyang case trends.

Sa kabila nito ayon sa Department of Health (DOH), posibleng mabagal at mas kontrolado ang covid-19 cases kung ang primary vaccine series at booster coverage ay bubuti at patuloy na masusunod ang minimum public health staandards.

Kapag ito ay nangyari, ayon sa DOH, ang bilang ng infections ay nakikitang bababa sa 6,194 hanggang 8,346 kada araw sa kaparehong period.

Ipinunto din ng kagawaran na maliban sa posibilidad ng pagtaas ng mga kaso, mahalaga din ang pagsubaybay sa hospital utilization rates at admissions.

Mas may kapasidad na aniyang mabawasan ang mga vulnerable population mula sa sakit, mapanatiling manageable ang hospital utilization at nasa minimum ang fatalities mula sa deadly virus dahil sa covid-19 treatment at availability ng mga bakuna para malabanan ang sevre at critical disease.

Kaugnay nito, patuloy ang paghikayat ng DOH sa publiko na patuloy na magsuot ng best-fitiing face mask, pag-isolate at ipagbigay-alam sa mga close contact kapag nagkasakit , doblehin ang proteksyon sa pamamagitan ng pagbabakuna at pagtiyak na may magandang airflow para makontro ang pagkalat ng virus.