-- Advertisements --
image 75

Nakikitang bababa sa 100 ang naitatalang mga kaso ng COVID-19 kada araw sa Metro Manila sa katapusan ng Nobiyembre ayon sa OCTA Research fellow na si Dr. Guido David.

Ito ay kung magtutuluy-tuloy ang kasalukuyang trends ng covid-19 cases.

Base sa data ng Department of Health (DOH), nakapagtala ang rehiyon ng 164 bagong kaso ng covid-19 noong Nobiyembre 8.

Inihayag naman ni Dr. David na kung magpapatuloy ang kasalukuyang trends ito ay magreresulta ng less than 55 positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga indibidwal na sinuri at pagbaba ng 100 bagog kaso kada araw sa NCR.

Iniulat din ni DR. Daid na nakapagtala ang NCR ng 7-day positivoty rate na 7.8% noong November 7 na bumaba mual sa dating 9.5% noong katapusan ng oktubre.