Iniulat ni Health Secretary Ted Herbosa ang bahagyang pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang ahensiya ng 260 daily average covid-19 cases mula Dec. 5 hanggang 11 na bahagyang mas mataas kumpara sa 191 cases noong nakalipas na linggo.
Ayon sa DOH, ang kasalukuyang fatality rate sa naturang sakit ay nasa 0.33% kung saan simula noong Agosto nakapagtala ng average na isang nasawi kada araw na karamihan ay mayroong comorbidity at nasa high risk.
Ikinokonsidera pa rin itong mababa kumapara sa kasagsagan ng Delta variant kung saan nasa 5% ang fatality rate.
Kinumpirma din ng kalihim na ilang mga ospital ang full-bed capacity para sa mga covid-19 patients pero ito ay bunsod na rin ng kaunting alokasyon ng mga kama dahil hindi na rin gaanong maraming kaso ng covid-19.
Sa buong bansa, nananatili mababa na nasa 16% ang hospital bed utilization para sa covid-19 cases.
Sa kabila naman ng uptick ng mga kaso sa nakalipas na linggo, sinabi ni Sec. Herbosa na walang outbreak ng sakit.