-- Advertisements --

Umakyat na sa 6,278,399 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.

Ang 2,998,082 (98%) sa mga pasyente ay mayroong mild condition at 53,405 (2%) naman ang nasa serious o critical condition pa rin.

Nangunguna naman sa mga bansang may kaso ng COVID-19 ang USA, pangalawa ang Brazil, pangatlo ang Russia, pang-apat ang Spain at pang-lima ang United Kingdom.

Sa kasalukuyan, nasa 374,157 na ang naitalang nasawi dahil sa naturang sakit.

Habang ang mga naka-recover naman ay 2,852,755, matapos ang gamutan at quarantine procedures.