CENTRAL MINDANAO-Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19) sa Rehiyon-12.

Sa datus ng Department of Health (DOH-12) nakapagtala ng karagdagang 237 na panibagong kaso ng nakakahawang sakit o deadly virus

.Ayon sa DOH-12 nanguna parin ang South Cotabato na umaabot sa 111, sinundan ng Sultan kudarat na may 57 new infections, General Santos City 29 cases, North Cotabato 26 habang ang Sarangani ay may 14 bagong kaso.

Umaabot naman sa 134 mga pasyente ang gumaling,63 ay mula sa General Santos City, 53 North Cotabato, 16 Sultan Kudarat at dalawa Sarangani.

Dahil dito, sumampa na ngayon sa 10,927 ang total recovered patients sa rehiyon.

Pumalo naman sa 432 ang total death cases matapos namatay ang anim na mga pasyente.

Tatlo sa mga nasawi ay taga North Cotabato, ang mga ito ay taga Pigcawayan, Kabacan at M’lang.

Tig-iisa rin ang namatay sa General Santos City, Tacurong at Lebak.

Tumaas pa ng hanggang 3,108 ang aktibong kaso ng Covid 19 sa rehiyon-12.