-- Advertisements --
Umakyat na sa 50 ang bilang ng COVID-19 cases sa Kamara matapos na nagpositibo sa naturang sakit ang isa pang congressional staffer.
Ayon kay House Secretary-General Jose Luis Montales, huling pumasok sa trabaho ang naturang empleyado noong Agosot 17 at Agosto 18.
Sinabi ni Montales na walang close contact ang naturang empleyado sa mga nauna nang nakumpirmang kaso sa Kamara.
Sa ngayon, nagpapatuloy aniya ang isinasagawang contact tracing sa mga indibidwal na nakahalubilo ng pinakabagong COVID-19 case sa mababang kapulungan ng Kongreso.