LA UNION – Lalo umanong lumobo ang bilang ng corona virus o Covid 19 case sa bansan Italy.
Ayon kay news correspondent Rhodora Villegas, umaabot na ngayon ng 165,155 ang naitalang kaso ng nakamamatay na virus habang 21,645 na ang naitalang namatay sa panayam ng Bombo Radyo La Union.
Mula sa dating April 13 na pagtatapos ng lockdown ay naiurong ulit ito ng hanggang May 3, 2020.
Sinabi nito na agad na rin ipinasara ang mga unang nagbukas na establishimento dahil sa pagtaas ulit ng bilang ng kaso dito.
Bagama’t wala itong trabaho mula pa noong March 11 ay mababait naman ang kanyang mga employer. May mga ibinibigay naman na voucher kung saan ipapalit ito sa pagkain.
Dagdag pa nito, na sa kuminidad nila ay may nagbibigay ng libreng pagkain na inilalagay na lamang sa harap ng mga bahay.
Sa kabilang banda, magsisimula naman ang pagbukas ng klase sa buwan ng Setiembre para school year 2020-2021 habang magtatapos sana sa buwan ng Hunyo ang school year 2019-2020.