-- Advertisements --

Pumapalo na sa 64.48 percent ang occupancy rate sa mga kama sa quarantine facilities sa Metro Manila sa gitna nang pagtuloy na pagtaas ng COVID-19 sa rehiyon, ayon kay isolation czar Public Works Secretary Mark Villar.

Sa isang statement, sinabi ni Villar na sapat pa ang COVID-19 isolation beds sa buong bansa, kung saan 19,877 beds pa lamang mula sa kabuuang 131,517 total available isolation beds sa mga Temporary Treatment and Monitoring Facilities sa buong bansa ang ginagamit sa kasalukuyan.

Sa bilang na ito, kabuuang 3,708 beds naman sa 5,751 beds sa Metro Manila ang okupado.

Ito aniya ang dahilan kung bakit sinisikap din nilang pabilisin ang pagtayo ng mga quarantine facilities lalo na sa loob ng NCR bubble.

Nabatid na ang Mega Temporary Treatment and Monitoring Facilities ang siyang may pinakamataas na bed occupancy rates para sa COVID-19 kabilang na ang PICC Quarantine Facility kung saan 223 sa 263 total beds ang okupado, ang Ultra Stadium naman 95 sa 132 beds ang okupado at sa Filinvest Tent naman ay 74 sa 108 beds ang okupado.