-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Linggo na may 4 na Pilipinong nasugatan kasunod ng missile strikes ng Iran sa Israel nitong weekend.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, ang mga nasugatang Pilipino ay mula sa Rehovot, isang siyudad na nasa 20 kilometers ng katimugang bahagi ng Tel Aviv. Kabilang aniya ang mga ito sa 12 iba pang Pinoy na nasa parke nang tumama ang missiles ng Iran sa lugar.
Base sa opisyal, nasa kritikal na kondisyon ang isa sa mga nasugatang Pilipino.
Nagpadala naman na ang Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv ng team para tignan ang kalagayan ng mga nasugatang OFWs.
Patuloy naman ang paalala ng DFA at Embahada na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga lokal na awtoridad ng Israel.