-- Advertisements --

LA UNION – Malaking kawalan umano para sa mga Pinoy workers ang visa free cancelation sa bansang Taiwan.

Ito ang sinabi ng manggagawang si Evangeline Jamila-Wei sa panayam ng Bombo Radyo La Union kasunod ng travel ban ng gobyerno sa naturang estado dahil sa novel coronavirus (COVID-19).

Nakapangasawa ng Taiwanese national si Evangeline at nagta-trabaho sa isang factory doon.

Kaya alam daw niya na magiging mahirap na para sa Pinoy na naging residente sa Taiwan, na kunin ang kanilang mga kaanak na nasa Pilipinas dahil tiyak na maiipit sa sitwasyon ngayon.

Bukod dito, hindi rin daw magiging madali para sa mga Pinoy workers gaya nya na basta makakuha na lang ng visa at ticket dahil kailangan pang magsumite ng mga ito ng sulat na humihingi ng pahintulot sa mga opisyal.

Kung maalala, ipinag-utos ng bansang Taiwan ang visa free upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Overseas Filipino Workers na makasama ang kanilang pamilya sa nasabing bansa.