Ibinalita ng chief executive officer mula sa isang biotech firm na posibleng ilabas na sa merkado ang antibody therapy para sa coronavirus disease.
Ang naturang therapy ay mula sa Eli Lilly, isang pharmaceutical giant sa Estados Unidos, na nasa ikalawang linggo na ng phase 2 trials. Daan-daang COVID-19 patients ang isinailalim sa trial kung saan ang iba ay nakatanggap ng antibody drug na may iba’t ibang dosage habang ang iba naman ay binigyan ng placebo.
Ayon kay Carl Hansen, CEO ng AbCellera, sa isinagawa nilang phase 1 tiral sa ilang pasyente ay nakita na ligtas ang naturang gamot.
Umaabot ng 500 antibodies ang mayroon sa 10 milliliters ng dugo kung kaya’t maraming pamimilian ang mga siyentipiko. Upang magawa ang gamot ay pinili ng mga ito ang antibodies na mabilis umanong i-develop, gayahin at i-manufacture.
Dagdag pa ni Hansen na posible umanong makatulong ang gamot upang pagalingin ang mga pasyente na nasa ospital at maging ang mga nasa bahay lamang.