-- Advertisements --
Nakatakdang ianunsyo nayong araw ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson ang paglulunsad ng Britanya sa COVID-19 alert system.
Ang naturang system ay kayang mag-rank ng threat level ng coronavirus mula one hanggang five at ia-adjust batay sa datos.
Inaasahan na magbibigay ng knaiyang televised speech ang prime minister upang ipaalam sa bansa ang progreso ng ipinatupad na lockdown.
Sa England lamang ipatutupad ang bagong sistema na ito ngunit patuloy pang inaayos ng gobyerno ang iba pang detalye upang maging maayos ang lahat.
Sa kasalukuyan ay nasa stage four pa rin ang England dahil sa mataas na bilang nito ng confirmed cases ng coronavirus.