-- Advertisements --

Pumalo na ngayon sa 20, 150 ang mga pasyenteng gumaling mula sa sakit na coronavirus disease(COVID-19 ) sa buong Central Visayas base sa pinakahuling tala ng Department of Health kahapon, November 2.

Sa 22, 514 na kabuuang bilang ng kaso sa rehiyon, 1,342 nito ang naitalang namatay.

Samantala, umabot na sa 9,439 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa Cebu City habang 678 na ang mga namatay.

Isa kaso lang ang naidagdag kahapon dahilan na nasa 10, 267 na ang total cases nitong lungsod kung saan 150 na lang ang aktibong kaso.

Maliban pa, 72 na lang ang natitirang aktibong kaso ng nasabing virus sa Mandaue City ; 120 sa Lapu-lapu City; Probinsiya ng Cebu, 337; Negros Oriental, 178; Bohol, 162; at 3 sa Siquijor.

Sa ngayon, nasa 1,022 na lang ang aktibong kaso ng rehiyon 7.