-- Advertisements --

Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 285 na bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, kaya pumalo pa sa 7,579 ang total na bilang ng mga tinamaan ng sakit.

Nakapagtala naman ng pinakamababang bilang ang mga bagong namatay sa pito, para paakyatin sa 501 ang total deaths.

Ang numero ng mga gumaling ay patuloy pa rin ang pagtaas sa 862, bunsod ng 70 new recoveries.