-- Advertisements --

Natanggap na ng higit 15,000 magsasaka sa Calabarzon ang P5,000 ayuda ng Department of Agriculture (DA) para sa rice farmers.

“A total of 15,353 rice farmers from Batangas and Quezon had already received P5,000 each as of April 8, 2020, under the Financial Subsidy to Rice Farmers (FSFR) program of the DA,” ayon sa isang statement.

Sa ilalim ng FSRF, tinatayang nasa 600,000 maliliit na magsasakang may lupa na hindi lalagpas ng 1-hectare, ang makakatanggap ng nabanggit na subsidiya.

Ang mga magsasakang benepisyaryo din nito ay galing sa 24 na probinsyang hindi sakop ng Rice Farmers Financial Assistance program.

“More rice farmers from Batangas, Quezon, and Laguna will benefit from the program as the Regional Rice Program is in close coordination with the concerned local government units and the Landbank of the Philippines to speed up processing of necessary documents,” ani DA-Region 4A director Arnel de Mesa.

Ipinapamahagi ang tulong na ito sa pamamagitan ng cash o prepaid card.

Nagkakahalaga ng P3-bilyon ang pondo ng FSFR sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, magagamit din ang pondo para makatulong sa mga magsasakang apektado ang kabuhayan dahil sa umiiral na enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

“The FSRF is another intervention to further support our farmers who are experiencing the effects of the quarantine measures due to the COVID-19 pandemic,” ani Sec. Dar.