Humigit kumulang 1.2 million manggagawa ang posibleng pansamantalang mawalan ng kanilang trabaho dahil sa enhanced community quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez III, maaring magresulta ito sa pagbaba naman ng gross domestic product (GDP) growth sa 0 hanggang -1 percent.
Inaasahan na rin daw niya na lalawak pa ang budget deficit ng bansa sa 5.3 percent mula sa 3.2 percent.
Mas mataas gasi aniya ang gagastusin kaysa sa mga makokolekta ng pamahalaan para lamang matiyak na walang magugutom sa gitna ng kinakahrap na krisis.
Samantala, sinabi rin ni Dominguez na ang debt to GDP rate ay tataas din ng 41 hanggang 47 percent, pero mababa pa rin aniya ito kung ikumpara sa mga katabing bansa.
Kaya naman inaayos na aniya nila sa ngayon ang tatawagin nilang “bounce-back program” pagkatapos na matukoy na ang danyos ng krisis na ito sa ekonomiya.