-- Advertisements --
Pumanaw na ang Grammy Award-winning country singer na si Jody Miller sa edad 80.
Ayon sa kaanak nito nalagutan ng hininga ang singer sa kaniyang bahay sa Blanchard, Oklahoma dahil sa kumplikasyon na may kinalaman sa Parkinson’s disease.
Isinilang noong 1941 sa Phoenix Arizona at noong 1962 ay pumirma ito sa Capitol Records.
Matapos ang isang taon ay inilabas niya ang folk album niya na “Wednesday’s Child is full of Woe”.
Ang 1965 hit record niya na “Queen of the House”” ay umabot sa number 5 ng Hot Country singles at number 12 sa Billboards’s Hot 100 charts.
Nagwagi rin ito sa Grammy Award for Best Country and Western Vocal Performance.
Nagretiro ito sa pagkanta ng country songs noong 1980 at lumipat ito sa gospel music ministry sa 1990.