Pumanaw na ang country music singer na si Hal Ketchum sa edad 67.

Ayon sa asawa nito ng si Andrea, na nagkaroon ng kumplikasyon mula sa dementia ang asawa at binawian na ng buhay sa kanilang bahay.

Ilan sa mga kantang pinasikat nito ay ang “Small Town Saturday Night” at “Long Haired Country Boy” mula sa kaniyang unang album noong 1988.

Naglabas pa ito ng 10 iba pang album.

Naging miyembro siya ng Grand Ole Opry ito na tuwing linggo ay tumutogtog sa mga bayan.